Jaime Oscar Salazar
Ang dulang pampelikula ay tumutukoy sa retorika ng pagsusulat para sa pelikula na nagpapahayag ng kasalimuotan ng buhay panlipunan at personal na ligalig sa natatanging estruktura ng naratibo o politikal na paniniwala; o sa pamamagitan ng pinag-isipang dramatikong tensiyon na sumisiyasat sa tunggalian ng personal at politikal, ng indibidwal at ng kolektibo, ng pribado at ng publiko.
Image may be NSFW.
Clik here to view.
Anim ang nominado ng YCC para sa Pinakamahusay na Dulang Pampelikula para sa taong 2012. Ito ang mga sumusunod:
- Aparisyon, na isinulat nina Vincent Sandoval at Jerry Gracio;
- Kalayaan, ni Adolfo Alix, Jr.;
- Oros, nina Paul Sta. Ana at Obet Villela;
- Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim ni Arnel Mardoquio;
- Qiyamah ni Gutierrez Mangansakan II; at
- Thy Womb ni Henry Burgos.
Iginagawad ng YCC ang Pinakamahusay na Dulang Pampelikula sa Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim ni Arnel Mardoquio. Matalinong inilialarawan ng pelikula ang iba’t ibang suliranin at tensiyon na umuusbong buhat ng paggalaw sa partikular na lokalikad—lokalidad na kadalasa’y walang-ingat na itinatanghal. Mabisa nitong nilalahad ang masalimuot na pagtatagpo ng politikal at personal sa dinadanas na realidad ng mga tauhang kinikilala ang pangangailangan para sa pakikibakang Bangsamoro sa isang dako, at minimithing mbuhay at umibig nang payapa sa kabila. Mahalaga sa tagumpay ng pelikula ang matatas na paggamit ng katahimikan, na kung tutuusin ay hindi default na wika, kung hindi mas matalim na wika.
Image may be NSFW.
Clik here to view.
*YCC Awards photo courtesy of Nestor de Guzman
Image may be NSFW.
Clik here to view.

Clik here to view.
