Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

YCC Citation for Best Cinematography and Visual Design of 2012

JPaul Manzanilla

Ang Sinematograpiya at Disenyong Biswal ay tumutukoy sa mise-en-scene at sa mga kalidad nitong biswal/plastic, disenyong pamproduksyon, pag-iilaw, direksyon ng sining, visual effects na nagbibigay-anyo sa anumang representasyon na inilalantad sa telon at ikinikintal ang pagsasaanyo ng mga puwersang panlipunan at mga kultura sa mga sandali ng kontradiksyon, pagsasanib, engkuwentro, pagtatagpo, pakikipagtunggali o pagkakaugnay sa bawat isa. Ipinagkakaloob ang Pinakamahusay na Sinematograpiya at Disenyong Biswal sa sinematograper at sa taga-disenyo ng produksyon.

Ang mga nominado sa Pinakamahusay na Sinematograpiya at Disenyong Biswal ay ang mga sumusunod: Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim – Arnel Barbarona at McRobert Nacario (cinematography) at Bagwani Ampalayo (production design); Diablo – Tristan Salas (cinematography) at Cesar Hernando (production design); Kalayaan – Albert Banzon (cinematography) at Adolfo Alix, Jr. (production design); Kamera Obskura – Raymond Red (cinematography), Mikey Red (art direction), Daniel Red at Cesar Hernando (production design), Edrie Ocampo at Pablo Biglang-Awa (visual effects); Qiyamah – McRobert Nacario (cinematography) at Perry Dizon (production design); Thy Womb – Odyssey Flores (cinematography) at Brillante Mendoza (production design).

Image may be NSFW.
Clik here to view.
kalayaan

Sa Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, matalinong ipinakita na kaisa ng mga gerilya ang kalupaan ng isang bahagi ng Mindanao sa kanilang pagtakas. Tila ba kasama ang mga manonood sa pagtugaygay ng lupain at pakikiisa sa kalikasan upang manatiling buhay sa kanilang pakikibaka.

Inilahad naman ng Ang Diablo ang pakikihamok ng ina sa mga huling sandali ng kanyang buhay habang ang kanilang tahanan ay naging lunsaran ng pag-aaway ng kanyang mga anak. Ang kanayunan at bahay ay naging materyal na lunsaran ng kanyang mga gunita.

Kaaliw-aliw naman ang paglalaro ng mga imahe sa Kamera Obskura na masinsing nagpakita ng kasaysayan ng teknolohiya at sining ng kamera at ang nawawala, sinasaliksik, at patuloy na binubuong kasaysayan ng mga manonood sa ating bansa.

Ang itim-at-puting pagkulay sa Qiyamah ay matalasik na naglarawan ng kalagayan ng daigdig sa mga huling panahon nito. Sabihin pa, ang kidlat mismo ay kumatawan sa pagbasag ng karimlan ng paligid at budhi ng isang puwersa ng kaliwanagan na nanggagaling sa itaas.

Inilalangoy naman tayo ng Thy Womb sa katubigan ng Timog Mindanao sa paglalakbay ng dalawang matandang mag-asawa upang mabuhay at kanilang pagsusumikap na magsupling ng buhay.

Ngunit ang nagwagi ng Pinakamahusay na Sinematograpiya at Disenyong Biswal ay ang KALAYAAN na may sinematograpiya ni Albert Banzon at disenyong pamproduksyon ni Adolf Alix, Jr.

Panoramiko ang pagtanaw natin sa islang tila nasa dulo na ng mundo. Napakapayak ngunit napakayaman ng paglalarawan ng lumbay sa isang lugar na ang natitira na lamang ay ang mga elemento ng tubig, lupa, hangin, at apoy at ang indibidwal na taong nawawalan na ng halaga sa buhay. Doon, sa hangganan ng lupain at tubig, ng teritoryo ng ating bansa at pandaigdigang pag-aari na pinag-aagawan ngayong yugto ng napakalupit na kompetisyon sa mga yaman ng mundo, may manipis na pagitan na lamang ang katinuan at pagkabaliw.

Image may be NSFW.
Clik here to view.
adolf

*YCC Awards photo courtesy of Nestor de Guzman


Image may be NSFW.
Clik here to view.
Image may be NSFW.
Clik here to view.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

Trending Articles