Quantcast
Channel: Young Critics Circle Film Desk
Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

YCC Citation for Best Sound and Aural Orchestration of 2012

$
0
0

Aristotle Atienza

Ang Pinakamahusay na Tunog at Orkestrasyong Awral ay tumutukoy sa paglalapat ng mga aspektong may kinalaman sa tunog sa pelikula: musika, likas na tunog, sound effects habang ang mga ito ay isinasalungat sa o inaayon sa lengguwahe ng mga imahen, at kung gayon ay nagiging makahulugang sistema ng pananagisag mismo.  Iginagawad ang Pinakamahusay na Tunog sa sound engineer at sa tagapaglapat ng musika.

kalayaan-ditoy

Mahirap nang makita ang pelikula nang wala ang tunog.  Kinikilala ang musika at tunog hindi lamang bilang suporta o tulong sa makapangyarihang rehimen ng nakikita (visible) kundi bilang tauhang nakikipagtalaban sa galaw ng mga larawan.  Sa ingay na dala ng mga pelikula ng nakaraang taon, higit na mangingibabaw ang kahusayan ng musika at disenyo ng tunog sa mga pelikulang nominado rin bilang pinakamahusay na pelikula, Kinikilala ang mga pelikulang Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, Kalayaan, at Qiyamah, sa talaban ng ugong ng natural, ng mga naninirahan, ng mga taga-loob, at ang pakikipagtunggalian o pakikipagsabayan nito sa dagundong ng artipisyal, ng mga taong-labas bitbit ang mga bakal at makina ng siyudad.

qiyamah-raphael

Subalit dalawa sa tatlong pelikulang nabanggit ang tatanghalin ng Film Desk ng Young Critics Circle (YCC) na nagtataglay ng pinakamahusay na tunog at orkestrasyong awral sa dalawang pelikula.  Ipinagkakaloob ito sa mga pelikulang Kalayaan at Qiyamah.  Sa pagsasalita at pagsasalaman ng musika at tunog ng kalikasang sinasakop at sumasakop, upang punan ang panghihimasok ng pag-iisa sa pagtatanggol ng sarili at bayang nasa bingit ng kabaliwan, binibigyan ng pagkilala ang musika ni Teresa Barrozo at disenyo ng tunog ni Ditoy Aguila para sa pelikulang Kalayaan.  Samantala, sa paglikha ng tunog ng kapaligirang naninimbang sa loob at labas ng komunidad ng mga naniniwala nang hindi tumatahak sa posibilidad ng abusong maaaring bitbitin ng pangamba sa napipintong paggunaw ng mundo, tinatawagan ng pansin sina Raphael Pulgar sa musika at Arnel Barbarona sa disenyo ng tunog para sa pelikulang Qiyamah.

*YCC Awards photos courtesy of Nestor de Guzman



Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

Trending Articles