Quantcast
Channel: Young Critics Circle Film Desk
Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

YCC Citation for Best Film Editing of 2012

$
0
0

Lisa Ito

Ang editing ay tumutukoy sa pagsasaayos ng ugnayan ng panahon at espasyo sa mga eksena ng isang pelikula. Sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng mise-en-scene at montage, may kakayahan ito na maglagom, ipakita ang tunggalian, bumuo at bumaklas ng mga pagkakaugnay sa loob ng pelikula.

Ang pagkilala sa Pinakamahusay na Editing ay pinagkakaloob sa mga editor. Ngayong taon, lima ang nominado para sa pinakamahusay na editing pampelikula. Ito ay ang sumusunod:

  • Aparisyon, sa editing nina Jerrold Tarog at Vincent Sandoval;
  • Jingle Lang ang Pahina, sa editing ni Aimee Apostol-Escasa;
  • Kalayaan, sa editing ni Aleks Castañeda;
  • Thy Womb, sa editing ni Kats Serrano; at
  • Qiyamah, sa editing nina Arnel Barbarona at Gutierrez Mangansakan II

Sa mga pelikulang Kalayaan, Aparisyon, at Thy Womb, epektibong ginagamit ang editing upang ilahad ang mga naratibo ng paghahanap at pagkawala, lumbay at pag-iisa. Mahusay rin ang paggamit nito sa dokumentaryo na Jingle Lang ang Pahina, kung saan inilahad ang malayang palitan ng impormasyon, imahen, tunog, at interbyu na umiinog sa Jingle Magazine.

qiyamah03

Ginagawad ang Pinakamahusay na Editing sa Qiyamah, kina Arnel Barbarona at Gutierrez Mangansakan II. Ipinalabas sa pagkakasunod-sunod ng mga eksena ang mga naratibo hinggil sa kapangyarihan ng kalikasan, tunggalian at kapayapaan, buhay at kamatayan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 236

Trending Articles