Sa online edition ng Metro Manila Film Festival noong nakaraang Disyembre, parehong naging matagumpay ang mga pelikulang Fan Girl ni Antoinette Jadaone at The Boy Foretold by the Stars ni Dolly Dulu. Bukod sa nakamit na parangal ng mga ito, pinag-usapan din ang mga nasabing pelikula sa social media sa magkaugnay na dahilan—ang Fan Girl, sa tangka nitong pagpapaksa sa paghanga, hinahangaan, at tagahanga; at ang The Boy Foretold, sa pagsunod naman nito sa genre na itinataguyod ng lumalawak pang fandom ng boys’ love. Sa unang episode ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina John Bengan, Christian Benitez, Andrea Anne Trinidad, at Jaime Oscar Salazar ang dalawang pelikula at ang diskurso ng paghanga’t fandom.
↧