JPaul S. Manzanilla
Nominado ang mga sumusunod: Mariquina, Sasha Palomares (cinematography) and Aped Santos (production design); Sonata Maria, Wrap Meting and Mark Limbaga (cinematography) and Bagane Fiola, Orvil Bantayan, Mandy Velasco, Lulu Amorado, and Louie Daniel (production design)
Inangkupan ng mga eksena ng Mariquina ang tahimik na pag-uusap sa pelikula. Nagbababad ang kamera sa mga sandali ng pagsasamahan ng isang pamilya: ama sa anak na babae, asawa sa asawa, lalake sa iba pa niyang babae, anak na babae sa kanyang ina, at anak na babae sa ibang babae ng kanyang ama. Maliit lamang ang lokalidad na binabagtas (ang bayan ng Marikina) ngunit nailakad ang mga pait ng paglikha ng sapin sa paa sa pasakit na dulot ng nagbabagong pre-industriyal na ekonomiya at paghahanap ng sagot hinggil sa buhay, kamatayan, at pagsasama ng nagmamahalang tao.
Sinikap naman ng Sonata Maria na tugaygayin ang kaisipan ng isang binatang nagkakaroon ng krisis sa kanyang pag-iral. May mga pagkakataong ginugulat tayo at dinadala sa mga delusyong tanging makikita sa isang taong hinahanap ang kanyang sarili at pilit nilulutas ang mga suliranin ng kanyang buhay. Naging mapaglaro ang pelikula sa paglalakbay sa lungsod ng isang taong walang kapaguran sa pag-iisip. Makinis ang takbo ng naratibo mula sa kasulok-sulukan ng kaisipan hanggang sa bukas na espasyo ng pakikisalamuha sa ibang tao.
Image may be NSFW.
Clik here to view.
Nagwagi ang Dagitab bilang pinakamahusay na sinematograpiya at disenyong biswal dahil sa maningning nitong paglalarawan ng pag-aapuhap ng layunin sa nakababagot na pananatili sa isang makitid na mundo. Maiibigan ang isang eksena sa dalampasigan na tila hinihila na tayong sumama sa agos patungo sa kawalan habang ang dalawang nagmamahalan (o magmamahalan pa lang? o hinahanap lang ang sarili?) ay dikit na dikit sa isa’t isa. Dinala tayo ng naratibo sa mga karaniwan nang eksena sa bahay, sa campus, sa gubat, sa bundok, at upang mahanap ang dagitab na magbibigay-sigla sa tila walang katuturang buhay.
Tinatawagan sina Rommel Sales, cinematographer, at Whammy Alcazaren at Thesa Tang, production designers, upang tanggapin ang gawad.
Clik here to view.

(l-r) Whammy Alcazaren, Thesa Tang, Rommel Sales
Image may be NSFW.
Clik here to view.

Clik here to view.
