
Bilang paghahanda sa napipintong anunsiyo ng taunang pagkilala sa kahusayan sa pelikula, matutunghayan sa ikalawang episode ng Young Critics Circle Podcast ang talakayan sa mga pelikulang nominado sa sinematograpiya at disenyong biswal, editing, at tunog sa pelikulang taon ng 2020. Titimbangin nina Aristotle Atienza, Emerald Manlapaz, Tito Quiling Jr., at Skilty Labastilla ang kalidad ng gamit at sangkap ng mga elementong pansine sa mga pelikulang He Who is Without Sin ni Jason Paul Laxamana, Death of Nintendo ni Raya Martin, The Boy Foretold by the Stars ni Dolly Dulu, at Kintsugi ni Lawrence Fajardo.